Paglilibang

Sa dinami-dami ng puwedeng gawin sa libreng oras ng isang tao, iisa lamang ang ginagawa nila para ito ay maging masaya at maging mahalaga. Ang paglilibang ng isang tao ay hindi nahahalay sa estado ng buhay. Kahit ano pa man ang estado ng isang tao sa buhay, maaari pa ring gawin ang kahit anong libangan na ginagawa ng iba. Madaming libangan na puwedeng gawin sa panahon ngayon. Andiyan ang mga pamilihan o mall, mga bar, at mga theme park na puwedeng puntahan ng sinuman mapa-bata o mapa-matanda pa ang mga ito.

MALL

Banner-Image_Malls_Philippines.jpg
Source http://www.lamudi.com.ph/journal/nine-of-the-largest-shopping-malls-in-the-philippines/

Sa dinami-dami ng mga mall ngayon sa Metro Manila, madali na lamang makapunta rito. Hindi ito malayo kaya madalas ay nakakapunta rin naman ako kapag ako ay may libreng oras. Ngunit ang nakasanayan ko ay kada Linggo, umaalis kami ng aking pamilya para magpunta sa pamilihan pagkatapos namin magsimba o kumain ng tanghalian. Kapag nagpasyang pumunta rito, dumadating ako doon ng walang iniisip na gawin kung hindi ay kumain lamang at maglibot. Dahil may ATM naman ako, hindi masyadong marami ang pera na dinadala ko dahil maraming ATM machine ang nasa loob ng mall. Kadalasan ay naiisip lamang ng iba na ang mall ay isang lugar para sa mga walang ginagawa sa bahay kung kaya’t pumupunta na lamang sila rito. Patok ito sa Pilipinas dahil ang hilig mag-shopping ng mga Pinoy. Ito ay espasyong moderno na nagpapahintulot sa mga tao na magpakasaya. Kung ihahambing ito sa nakaraang tradisyon ng pamimili, ang mga tindahan ay hiwa-hiwalay, ngunit nakakabili parin ang mga tao. Ngunit ngayon, ang pagbabago na dinala ng mall ay ang pag-tipon ng mga tindahang ito para mas madali para sa mga mamimili. Moderno din ang espasyong ito dahil makikita kung ano ang mga binibili ng isang tao para lamang ay makasabay kung ano ang uso sa panahon na iyon.

A5360.png

Pagkapasok sa mall, tinatandaan ko na may mga patakarang nakapaloob dito. Bawal magsigarilyo sa loob ng mall para mapanatiling malinis at maginhawa sa mga tao at para din ligtas ang lahat at makalibot sila na walang iniisip o nag-aabala sa kanila. Ngunit kahit ang mga iyan ay pinagbabawal, mayroon din namang pinahihintulutan ang pamamahala ng mall tulad ng maari namang kumain habang lumilibot maliban kung sinabi ng partikular na tindahan na bawal.

Dito rin sa espasyong ito ay iba’t ibang klase ng tao ang nakikita ko. Dahil may palabasan ng pelikula sa mall, yun ang naging dahilan kung bakit nandito ang iba. Sa dinami-dami ng mga restawran, ang iba naman ay gusto lang kumain. Ang iba ay nagpunta dahil may gusto silang bilhin. Kapag may taong dumaan na maraming dalang supot, naiisip ko at nang karamihan agad na mayaman ang taong ito. Ito ay isang tumubong habitus sa ating mga isipan na kung sino man ang maraming may dala na supot ay mayaman na. Makikita rin ang hatian ng klaseng panlipunan sa pagdadamit ng mga tao. Yung ibang bihis na bihis ay naiisip na may kaya, habang ang mga simple lamang manamit ay wala masyadong pera.

111410-shopping-mall.png

Sa usapang kapangyarihan, ang may-ari lamang ng mall ang nagdidikta kung magkano ang rent o upa ng isang tindahan sa kaniyang mall buwan-buwan. Siya rin ang may kapangyarihang ayusin ang mga tindahan sa mall sa paraan ng pagtitipon ng lahat ng mga tindahan na magkakaparehas ang binebenta. Mauugnay ito sa burukrasya ng espasyo dahil ang pag-aayos na ito ay para mapadali sa mga customer na mag-shopping. Isa pang sistema ng burukrasya ay ang paglagay ng mga mall sa gitna ng lungsod para maging efficient ang mall at dayuhin ito ng mga tao para mas mabilis silang makapaglibang.

Kapag paalis na kami sa mall, maaaring masaya kami dahil marami kaming nabili o maganda ang napanood namin, o pwede ring pagod kami sa kakalibot sa mall dahil sa laki nito. At kahit minsan ay sobrang daming taong nasa loob ng mall hindi parin maiiwasang pumunta sa espasyong ito dahil halos lahat ng mga pangangailangan ay nandito.

BAR

23548159_10210516191445880_1668009760_n

Sa edad namin ngayon, dahan-dahan nang tinatanggap na maari na kaming pumunta sa mga bar o inuman dahil karamihan sa amin ay nasa legal na edad na. Lalo na’t mas malaya na ang kabataan ngayon dahil nasa kolehiyo na, mas malaki ang pagkakataon na makakapunta kami rito. Maraming puwedeng gawin sa lugar ng inuman o mga bars. Ako ay nakakilala ng iba’t ibang tao at nalalaman ko ang kwento ng mga buhay nila. Madalas ay nakikipagsayawan at nakikipagkantahan ng kung sinuman ang gustong makapareha.

23513506_10210516190765863_985110674_n

Madalas akong pumunta sa mga inuman kapag tapos na ang mga araw ng trabaho at eskwela at iyon ay Biyernes kada linggo. Pagkatapos ng aking klase tuwing Biyernes, maaring uuwi muna ako o magpapahinga bago mag-ayos para pumunta rito. Maraming mga inuman o tambayan sa siyudad kaya mabilis lamang puntahan ang mga ito. Ngunit, dahil kadalasan ay Biyernes pumupunta ang mga tao rito, nagkakatraffic sa mga lugar na dinadaanan papunta rito. Karaniwan rin ay gabi na nagsisimula ang mga inuman kaya nakakarating ang mga tao sa oras na tapos na ang hapunan.

9490-200.png
Source: https://thenounproject.com/term/socializing/

Pumupunta ako rito kasama ang aking mga kaibigan para makapaglibang at para na rin makapagbawas ng sakit ng ulo mula sa mga gawaing pang-eskwelahan. Moderno ito dahil tunggalian ito ng tradisyonal na inuman, ngunit ngayon ay maraming nang bagong disenyo at pakulo ang naibibigay ng mga inuman. Kadalasang naiisip ng iba ay ang habitus sa nasasabing lugar na ang pag-inom ay paraan ng pagkalimot kapag ang isang tao ay may problema. Akala ng iba na kapag pumupunta sa lugar na ito, lasinggero na agad o lasinggera. Hindi naiisip ng iba na baka pumupunta ang mga tao rito hindi para maglasing kundi para makihalubilo sa ibang tao.

223561-200.png
Source: https://thenounproject.com/term/talking/632725/

Pagkarating sa bar, maingay ang espasyong ito dahil lahat ng tao ay nakikipagkwentuhan at nangangamustahan. Presko pa ang itsura ko dahil hindi pa ako pinagpapawisan at nakaayos pa ako. Natutuwa ako dahil marami sa mga kaibigan ko ang naroon at nasasabik rin ako sa mga masasayang mangyayari sa gabing iyon. Ngunit minsan, mayroong mga away na nagaganap sa mga bar. Ang mga ipinagbabawal sa inuman ay ang pagsisimula ng isang away dahil gusto lamang ng away. Ipinagbabawal ito dahil maaaring masali pa ang ibang tao at mas lumaki pa ang gulo at maging rason ng pagbabawal sa iyo na pumasok pa muli doon. Delikado rin ito dahil nakainom na ang mga tao doon kaya baka kung ano pa ang mangyari sa gabing iyon. Isa pang ipinagbabawal sa mga lugar na ito ay ang pagpasok ng mga minor de edad. Ang mga minor ay wala pa sa tamang edad para uminom at baka maging delikado ito para sa kanila. Kahit bawal ang mga sinabi sa itaas, malakas naman na hinihikayat ng mga inuman ang uminom dahil dito kumikita ang kanilang negosyo.

san-miguel-sin-tax-20130109.jpg
Source: https://www.rappler.com/business/19441-stop-sin-tax-law-companies-ask-court

Sa usapang kapangyarihan, ang mga may-ari ng bar ang may karapatan kung ano lamang ang puwedeng mainom o kaya makain. Nagtataka rin ako minsan kung bakit mas mahal ang alak sa isang bar, pero sa ibang bar o kahit sa mga convenient store ay mas mura. Ngunit, ako lamang ay isang customer at wala rin naman akong magagawa tungol diyan. Dahil sa matataas na presyo sa mga inuman, minsan ay hindi ko na rin namamalayan ang aking gastos. Lalo na’t kapag tinamaan na ng epekto ng alak, minsan ay napapalabas nalang ng pera na hindi alam. Sa burukrasyang kinapapalooban nito, makikita na inilagay ito kung saan maraming pupunta sa dulo ng linggo para makapagbawas ng sakit ng ulo at sakit ng katawan. Sa loob naman ng bar, may sari-sariling proseso at sistema ang inuman sa pagbili or pagbayad. Dahil magulo ang mga bar at masisikip, kadalasan ay hinihingi agad ang bayad para hindi na makalimutan sa huli.

23476107_10210516190725862_1390661288_n

Ang mga bar o inuman ay isang espasyo kung saan nagkikita-kita ang mga tao upang maglibang at makihalubilo sa iba. Kahit ito ay masikip, maingay at magulo, nasisiyahan pa rin ang mga tao kapag pumupunta dito.

THEME PARK

Ginusto naming magkakaibigan na magkaroon ng biyahe na labas sa Metro Manila dahil naiisip namin na minsan nakakasawa na ring puro gusali ang nakikita at puro trapiko ang dinadanas. Nagpasya kaming pumunta ng Enchanted Kingdom, isang theme park sa Pilipinas para makaranas ng saya at “thrill” na dinadala ng mga rides na nakapaloob dito.

23476719_10210516191365878_258744465_n

Noong nagpasya akong pumunta doon, unang-una kong sinigurado ay kung kompleto ang mga gamit ko na dadalhin para doon. At dahil maaga kaming aalis para makapunta roon, inayos ko na ang mga gamit ko noong gabi bago umalis. Malayo ang Enchanted Kingdom sa Metro Manila, kaya mga 9 ng umaga kami umalis ng aking mga kaibigan. Dagdag pa, dahil malayo nga ito, minsan lamang kami nakakapunta rito kaya dapat sulitin na ang pagpunta sa park sa paraan ng pagpunta ng maaga, at pag-alis ng gabi na kung kelan sila ay pasara na.

GEDC0534.jpg
Source: http://khantotantra.blogspot.com/2011/03/unang-ek-ek.html

Halos dalawang oras kaming nababagot sa sasakyan bago kami makarating roon. Noong nakita na namin ang mataas na “EKstreme Tower” at Ferris Wheel pagka-exit namin ng Sta. Rosa sa South Luzon Expressway, sobrang na-excite na ako at di na ako mapakali dahil alam ko nga na malapit na kami. Tuwang-tuwa ako nung naka park na kami at agad na kaming dumeretso sa ticket booth. Para makapasok sa theme park, susunod muna ng proseso bago makapasok. Gumagamit ng burukrasya ang pamamahala ng Enchanted Kingdom para masigurado na lahat na papasok ay nakabayad na. Ito rin ay para mapabilis ang pagpasok ng mga tao sa park dahil kung walang kaayusan ang proseso, magkukumpulan lamang ang mga tao sa ticket booth at baka kung sinu-sino na ang nakapasok sa espasyong ito.

Unang-una, bukod sa ambagan sa gasolina, gumastos kami ng Php 400 para makapasok sa park. Kapag hindi ka estudyante, Php 500 ang iyong babayaran. Ganyan naman talaga lagi ang patakaran dito sa Pilipinas. Mas mura ang binabayaran ng mga estudyante kesa sa mas nakatatanda sa kanila. Pero, mas mura din naman ang babayaran kapag senior citizen ka. Kailangang magpakita ng ID para mapatunayan na ikaw nga ang umaangkin ng identidad na iyon. Kapag nakuha na ang ticket, deretso ka sa doon sa mga empleyadong naglalagay ng stamp sa kamay at binibigyan ka ng mapa ng theme park. Pagkatapos niyan, ikaw ay malayang pumunta kung saan mo man gugustuhin.

IMG_7009.jpg

Sa dami ng mga rides sa Enchanted Kingdom, hindi namin alam ng aking mga kaibigan kung alin ang uunahin. Unang-una naming nakita ang EKstreme Tower dahil sa kanyang tangkad. Ito yung ride na inaangat ang mga pasahero tapos bigla nalang silang ibinabagsak. Ito ay napakalulula kung kaya’t wala masyadong pumipila para sumakay dito. Kami-kami ng mga kaibigan ko ay nagtulakan para sumakay. Naging habitus na ang kapag ayaw ng isa sumakay, tatawagin siyang “duwag.” Kelan pa naging basehan ng tapang ang pagsakay ng mga rides na ito? Pumunta tayo rito para magsaya, at hindi magpalakasan ng loob. Anyways, iilan lamang sa amin ang tumuloy at pumila para sumakay sa EKstreme Tower. Mabilis lang ang pila rito dahil marami naman ang pwedeng sumakay. Nung paakyat na yung aming sinasakyan, una ay nakaka-excite pa. Pero nung nagsimula na itong tumaas, kung ano ano na ang pumapasok sa aking isipan. Bago kami ibagsak ng aming sinasakyan, makikita mo muna ang tanawin ng buong Enchanted Kingdom. Actually, makikita mo ang iba pang nasa labas ng hangganan ng Enchanted Kingdom. Makikita mo ang pagkakahati ng Enchanted Kingdom sa labas niyang espasyo. Kaunti lamang ang dumadanas ng ganitong karanasan dahil sila lamang ang may libreng oras o sobrang pera para gastusin dito. Lahat ng nakatawid sa hangganan ng Enchanted Kingdom ay lamang ng kaalaman kaysa doon sa hindi pa nakakapunta sa theme park na ito. Lahat ng nasa labas ay nagtatrabaho upang matamasa ang kung ano man ang meron sa mas nakakapaloob na espasyo ng Enchanted Kingdom. Nang naunawaan ko ito, binagsak na kami ng aming sinasakyan.

32283742703_6c0fbac5e5_b.jpg
Source: http://www.wanderingella.com/2016/05/enchanted-kingdom.html

Kagaya ng iba pang mga rides, kinikailangang pumila para mas efficient ang sistema sa loob ng theme park. Sa ibang rides nga, mahigpit na ipinagbabawal ang taong nasa ibaba ng 4ft. Ito ay patakaran ng Enchanted Kingdom para sa kaligtasan ng mga tagasakay. Kung tutuusin, ang espasyong ito ay para lamang palaruan kung saan nagpapaligsahan ang mga middle-class. Labanan ang mga customer at tagatrabaho kung sino ang mas makapangyarihan, ngunit walang may mas lamang na kapangyarihan kundi ang may ari ng theme park mismo. Nung kumain kami sa loob ng theme park, napakamahal ng pagkain. Ang presyo nito ay hindi hawak ng mga tagatrabaho, at wala ring magagawa ang mga customer para baguhin ang mga presyong ito. Ang tunay lamang humawak ng kapangyarihan baguhin ang kung anumang presyo sa loob ng theme park ay ang may-ari mismo.

park-map.jpg

Gustuhin man naming ubusin ang mga activity sa Enchanted Kingdom, kulang talaga kami sa oras dahil maraming pwedeng gawin sa theme park na ito. Kahit ganun, nag-enjoy pa rin ako. Sa modernong panahon ngayon, ang kaligayahan ay matatamasa sa paggawa ng kakaibang activity kagaya ng mga ginagawa sa tradisyon, ngunit ang pagbabago dito ay marami nang nabuong makabagong mga activity para mapasaya ang mga tao. Pagkatapos ng magandang fireworks nang 9 ng gabi, kami ay nagpasya nang umalis at umuwi. Lahat kami ay umalis na nakangiti dahil alam naming nagsaya kami noong araw na iyon.

Lahat ng mga nabanggit ay mga espasyo ng libangan ng mga modernong Pilipino ngayon. Kadalasan ay ang mga espasyong nabanggit ay puno ng mga tao dahil ito ay nasa kagustuhan ng mga Pinoy ngayon. Diyan nagpupuntahan ang mga tao upang makaiwas sa abala ng siyudad, makahanap ng ginhawa at makakita ng kakaibang tanawin kumpara sa nakikita at nararanas nila araw-araw.

 

Share Better with This New App!

In the world of social media, the word travels fast. Content from one website is easily spread and transferred to another website in the blink of an eye. Just copy the link and change a few settings, then your content is now plugged onto other social media applications or websites. The problem is, for some applications, automatic sharing from one app to another only shows the link itself. No pictures, no thumbnails, nothing. Just underlined text in blue font. My dear friends, I have a solution to that.

Continue reading “Share Better with This New App!”

Blogs You Must Read

I would like to feature on this site the few people who I look up to in the blogging industry. The following bloggers are listed in no particular order.

Mandy Ferrugia of A Girl, Obsessed

After reading A Girl, Obsessed, I immediately got inspired to create blog posts that are not only limited to food reviews and travel tips, but those that are open to the lifestyle aspect as well. Her blog is visually appealing, and she writes about almost everything!

23873858616_b83c82665f_o

AGO-logo-2016
Source: A Girl, Obsessed

Continue reading “Blogs You Must Read”

2015 Highlights

The year 2015 came by really fast. Due to busy schedules and task-overload, it seems as if this year just happened in the blink of an eye. But despite that, I tried to make the most out of the rare and little breaks that I’ve had for the entire year.

1. Burot Beach, Calatagan, Batangas

 This was my first summer adventure for the year 2015. Burot Beach is the typical 3-hour travel from the city. It is owned and being maintained by SM Group of Companies for public use given that they pay a certain fee. The area is very secluded. We had to use Waze to get to the beach. The sand was cream white, but it wasn’t as fine as the ones we see in Boracay. But despite that, it’s still a beautiful place. Nothing can beat the serenity this place holds.

Continue reading “2015 Highlights”

Wildflour Cafe + Bakery

My friends and I decided to grab breakfast somewhere in Legaspi Village, and luckily, we came across Wildflour Cafe + Bakery. We met up early in the morning, took some pictures, and once we were done, we ate breakfast. Besides, there’s no better way to start your day than with delicious food! Continue reading “Wildflour Cafe + Bakery”

10 “Must Haves” For Every Out-Of-Town Trip

Always end up forgetting an item whenever you’re on a trip out of town? Don’t worry, that happens to me too. In fact, that has occurred to me a lot of times, which is why I always make sure to keep a list of the things that I need whenever I go out of town.

Continue reading “10 “Must Haves” For Every Out-Of-Town Trip”

Batlag and Daranak: 2 Falls In One

After a summer of amusing and exciting trips, we wanted to go somewhere that would bring us closer to nature. Batlag and Daranak Falls were located in Tanay, Rizal. My friend, Aly, searched for many places (specifically waterfalls) that were just close to Metro Manila. Luckily, she came across Batlag and Daranak Falls. A good thing about it is that from Daranak Falls, it only takes about a 10-minute walk to reach Batlag Falls.

 The day before our trip, my 2 other friends (Jamie and Aly) and I slept over at my other friend’s house (Jamina). We set our alarms to 7am, and being the typical girls that we are, it took us an hour to get ready. We left the house at 8am. We passed by Robinsons Pioneer to pick up 3 of my other friends (Steff, Sheiji, and Sam). It was approximately a 2-hour trip, inclusive of the stopovers.

Welcome to Daranak Falls 🙂

Continue reading “Batlag and Daranak: 2 Falls In One”

Mangrove Hotel Resort

Yes, I must admit that my friends and I are the ones who can’t stay put in our own houses (HAHAHAHAHA). We love travelling and seeing new places. That’s definitely one thing you can’t take away from our system.

My friend, Aly, arranged a small out-of-town trip in celebration for her 16th birthday. Truth be told, she really wanted to stay in Camp Netanya, which was in Batangas. I mean, who would not want to see the “Little Piece of Santorini” in the Philippines? It just so happened that all the rooms were booked during the only free weekend that we had at that time :(. This, then, led us to what I call a “Little Serene Getaway” in Mangrove Hotel Resort, Subic.

Earlier that day, we had cheer practice in school. As soon as it finished, we were on the road.

Continue reading “Mangrove Hotel Resort”